Sinagot ni Kiray Celis ang katanungan ng ilang netizens kung nagli-live in ba sila ng kaniyang nobyo na si Stephan Estopia.

"Ang daming nagtatanong kung live in kami. Pero ang nakakatawa is, nasa kabilang kanto lang namin sila nakatira. So everyday, kahit noong may quarantine, every day siyang nandito sa bahay kasi sobrang lapit lang talaga niya," sabi ni Kiray sa panayam sa kaniya ng GMA Regional TV.

Nitong panahon ng quarantine, gumawa si Kiray Celis ng kaniyang online show na may halong comedy sketches kasama ang kaniyang pamilya pati na si Stephan.

Kasama rin si Stephan sa mga Tiktok videos ni Kiray.

"Sa mga videos and sa mga pictures, actually very shy talaga siya," kuwento ni Kiray.

Nitong nakaraang Agosto, "nagpakapraktikal" si Kiray nang regaluhan niya ng mga lumpia na hinugisan ng cake ang kaniyang nobyo para sa kaarawan nito.

 

 

"'Kung gusto mo ng mabait, kailangan mo ring mabait. Kung gusto mo ng loyal kailangan mong maging loyal. Kung ano 'yung binibigay mo 'yun din ang mababalik sa'yo, promise," sabi ni Kiray.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News