Nasa timbang na 217 pounds, nagdesisyon ang head creative ng isang advertising agency na si Bianca Felipe na muling simulan ang kaniyang weight loss journey pero sa tamang motibasyon na.

"Malaking bulas" daw si Bianca noong bata pa lamang siya at umabot siya ng 192 pounds noong 15-anyos siya.

Nagawa naman niyang pababain ang kaniyang timbang sa 139 pounds pero mali daw ang kaniyang paraan dahil hindi siya kumakain. At nang magkolehiyo, muling bumalik ang kaniyang mabigat na timbang dahil sa stress sa pag-aaral.

Ngayon, goal ni Bianca na makapagbawas ng 30 pounds o higit pa. Panoorin ang naging payo sa kaniya ni Drew Arellano, na kilala sa pagiging healthy para sa kaniyang pamilya, at ng anak nitong si Primo sa "Family Time."

--Jamil Santos/FRJ, GMA News