Nagbigay ng mensahe ng pagpapakatatag si Jennylyn Mercado sa mga tulad niyang single mom bilang tugon sa isang basher na pumuna sa kaniya.

Komento ng isang netizen kay Jennylyn: "Respeto naman sa mga babaeng inanakan lang."

Propresyonal naman itong tinugunan ni Jennylyn sa kaniyang Twitter, kung saan ni-repost din niya ang mensahe ng netizen.

Ani Jen: "To all the single moms out there, Never let comments like this get to you.
Having a kid early doesn’t make you  less of a woman. In fact it’s the opposite. Being a single parent made us stronger than ever.  Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin."

 

 

 

Hindi rin napigilang maawa ni Jen para sa mga tao na patuloy na minamaliit ang mga single mother.

Para sa aktres, hindi magagawang pabagsakin ng kahit na ano mang salita ang mga babaeng matatag.

"And for those people na minamaliit pa rin kami hanggang ngayon, I feel so sorry for you," sabi ni Jen.

"Lahat ng mga kritisismo sa pagkatao namin nasabi na samin, and yet here we are. Raising our kid(s) the best we can. Whatever you say, You can and will never bring a strong woman down," dagdag pa niya.

 

 

Single mother si Jennylyn sa 12-anyos niyang anak na si Jazz, na ang ama ay ang dati niyang nobyo na si Patrick Garcia.

Umani ng papuri ang mensahe ni Jennylyn, pati sa kapwa niya Kapuso star at nagsisilbing ina tulad ni Chynna Ortaleza.

"Whoa! So meant yan to break down strong willed single parents? Go Jen! Hindi madali maging single parent at lalong hindi madali na maging maayos sa mga tao na ang may hurt or misunderstanding before. E Ikaw.. kinaya mo lahat yan. So APIR!," saad ni Chynna.

 

 

Partner ngayon ni Jennylyn si Dennis Trillo, na tumulong sa kaniya na ipagdiwang ang ika-12 kaarawan ni Jazz nitong Agosto.

 

 


--Jamil Santos/FRJ, GMA News