Nami-miss na raw ni Rufa Mae Quinto na umuwi ng Pilipinas lalo na't malapit nang matapos ang ipinapatayo niyang bahay habang naka-quarantine pa rin siya sa Amerika.

Sa kaniyang Instagram, ipinasilip ni Rufa ang patapos na niyang bahay na maituturing niyang "labor of love."

"Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down , ? stop ???? close ,open , ecq, mcq, gcq , etc...." sabi ng komedyana.

Ayon pa kay Rufa: "[P]ero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss ... pero wait wait Lang... Todo na to! Go go goals ? god will provide amen ? ito din yung katas ng labor of love ??"

"Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas," sabi pa niya.

Matatandaang tumungo si Rufa sa California kasama ang anak na si Alexandria noong Pebrero para ipagdiwang ang Valentine's Day, at ang ikatlong kaarawan ng bata.

Pero na-stranded sila roon dahil sa lockdown dulot ng COVID-19.

Sa California nagtatrabaho ang asawa ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes. â€”Jamil Santos/KG, GMA News