Hindi mapigilang maiyak ni Rocco Nacino nang hubarin na niya ang kaniyang uniporme at mag-sign off na bilang si “Captain Diego Ramos” sa pagtatapos ng kanilang taping days sa “Descendants of the Sun.”

“Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak iyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito,” sabi ni Rocco sa Instagram.

“Thank you Wolf, talagang minahal ko ang pagganap sa character mo, dahil sayo kaya ako naging isang Navy Reservist,” sabi pa ng Kapuso actor.

Paglilinaw naman ni Rocco, hindi ito dahil sa huling araw ng kanilang taping, kundi nakatanggap siya ng blessings dahil sa kanilang programa.

“The tears weren’t for the last taping day, it was all for the blessings that came because of the show. Now we sit back and wait, sabik ako makita ang produkto ng pinaghirapan namin ng isang taon,” sabi pa ni Rocco, na pinasalamatan din ang girlfriend niyang si Melissa Gohing sa suporta.

“This is Technical Sergeant Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished!” anang aktor.

Inihayag din ni Jennylyn Mercado ang kaniyang pasasalamat sa cast at crew sa pagtatapos ng kanilang shooting, lalo ang kaniyang leading man na si “Big Boss” Dingdong Dantes sa motibasyon.

Hindi rin nakalimutan ni Jen ang frontliners na kaniyang naging inspirasyon para magampanan ang kaniyang karakter.

“Thank you to the brilliant direk Dom and Big Boss @dongdantes who kept me motivated; and thank you to the hardworking staff and crew who helped make it all possible. I have nothing but love and gratitude,” sabi ni Jen.

 

 

“Hats off rin sa ating modern-day heroes, our frontliners who served as my inspiration para gampanan ang role ko bilang Dra. Maxine,” sabi pa ni Jen.

“Today, we finished our taping for DotsPH, and we’re set to bring back fresh episodes soon. A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salamat. ‘Pass your papers’ na kami. @gmanetwork,” sabi naman ni Dingdong sa kaniyang IG.

 

 

– Jamil Santos/RC, GMA News