Halos ma-nosebleed ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez nang maglaro sila ng sikat na game na “Pinoy Henyo,” at lagyan pa ito ng twist na sa English lang sila magsasalita.

Sa Chika Minute report ng GMA News “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing mechanics pa lang, tawa na nang tawa sina Sanya at Jak sa pagpapaliwanag nito sa Ingles.

Sa huli, wagi ang team ni Jak. Bilang parusa, kailangang uminom ang team ni Sanya ng condiments.

– Jamil Santos/RC, GMA News