Inihayag ng newly engaged couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa na magkaka-baby na sila.

Ibinahagi ng Kapuso couple ang magandang balita sa kanilang latest vlog na nilagyan nila ng titulong, "YES, we are."

"We're happy, we're proud, and we're excited to tell you guys, Ico is pregnant!" saad ni Mark.

Sa video, ipinakita ng dalawa ang ilang clips sa pregnancy checkups ni Nicole.

"I think it's a boy. She wants a girl, but I think it's a boy," sabi ni Mark.

Nilinaw din ni Mark na limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Nicole, bagaman nabanggit niya isang bahagi ng video na tatlong buwan.

Samantala, tinatawag nina Mark at Nicole ang paparating nila baby na "Corky," na pinagsamang pangalan nila ni Nicole (co), at Mark (rk), habang ang "y" naman ay "baby."

Nitong June nang ihayag nina Mark at Nicole ang kanilang engagement. --FRJ, GMA News