Nabuhay na naman ang mga haka-haka na nagsasama na sa iisang bubong ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Andrea Torres dahil sa ginawa pasilip ng aktor sa bago niyang bahay.

Pero kaagad itong nilinaw ng Kapuso actor.

Pahayag ni Derek sa PEP.ph ngayong Lunes, September 14, “No we are not live in. The truth is we aren’t live in.”

Muling naungkat ang isyu dahil sa latest vlog ng dalawa kung saan ipinasilip ng aktor ang kanyang bagong gawang mansion.

Kasama niya sa house tour ang nobyang si Andrea.

Sa mga nakaraang panayam, sinabi ni Derek na ang ipinapagawa niyang bagong bahay ay magiging tahanan nila ng kanyang magiging asawa in the future.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Next episode of #andrekvlogs will be out tom. Thank for the support guys! @andreaetorres @shiftstudiosph

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

 


Dagdag pa niya tungkol sa kanyang bagong gawang bahay, “I started that house before I met Andrea.”

Isang taon na ang relasyon nina Derek at Andrea.

Inamin nila ang kanilang relasyon noong September 2019.

Natsismis na buntis diumano si Andrea nitong nakaraang Hunyo lamang. Pero tinawanan lang ito ni Derek.

Sa isang panayam din ng PEP.ph noong July 2020, sinabi ni Derek na baka in the next two years ay makasal na sila ni Andrea.

“Yung tungkol naman sa kasal, most definitely napag-uusapan na namin ‘yan.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.

“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.

“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."

Muli namin siyang inusisa ngayon kung bakit sa tingin niya ay wife material si Andrea.

Diretsong tugon niya, “She is all about family.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph