Inihayag ni Mikee Quintos na hiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend, pero nakatulong naman daw ang lockdown para siya maka-move on.

Sa "Mars Pa More," naging paksa ang mga "Quarantine Hugot," kung saan eksaktong natanong si Mikee kung naka-relate siya sa hugot na, "Para kang vaccine, ang tagal mong dumating!"

"Last time na nagkita tayo happy ka ah?," tanong ni "Mars" host Camille Prats kay Mikee.

"Wala na 'yun eh. Joke!" sagot ni Mikee. "We're friends, we're still friends."

ADVERTISEMENT

Dahil dito, natanong ni Camille kay Mikee kung kailan pa sila hindi naging "okay" ng kaniyang nobyo.

"Noong last year pa. It's just, ang dami kong na-realize din na sobrang nakatulong actually 'yung lockdown," anang aktres.

"Noong nag-uumpisa pa ako sa showbiz, ang impression ko sa mga artistang nagsasalita na, 'I just wanna focus on my career, blah blah blah.' 'Wehh!' parang ang sarap nilang ganunin na 'Wehh? Totoo ba 'yan? Hmmm. Charoz!'" pagpapatuloy ni Mikee.

Pero maging siya pala siya ay naramdaman din ang sinasabi ng ibang artista na gusto muna nilang unahin ang kanilang career.

"It's really possible to feel that way. Na na-feel ko for the first time ever na it really is important to love yourself first. So why not take that time now to do that. And ang perfect nu'ng lockdown, nakatulong 'yun sa'kin, in that sense," sabi ni Mikee.

Umaasa naman daw si Mikee na mahahanap niya ang kaniyang "the one."

"'Cause I'm still hopeful na maka-meet ako ng right one for me pero ayoko nang magmadali. Gusto ko 'yung next ko siya na," pahayag niya.

Noong din nakaraan taon kinumpirma ni Mikee ang pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend.

Hindi niya na ito pinangalanan pero Chinese ang lalaki at kaga-graduate lang.--FRJ, GMA News