Nagkomento si Gabby Concepcion matapos ibalita na si Sanya Lopez na ang kaniyang magiging bagong leading lady para sa upcoming Kapuso primetime series na "First Yaya."

Sa kaniyang Instagram stories, inihayag ni Gabby ang kaniyang excitement na makatambalan si Sanya.

"At last, may Yaya na ako. Taping soon. 'My First Yaya' with Sanya Lopez," caption ng batikang aktor.

Si Sanya ang napiling maging leading lady sa naturang serye matapos na umatras si Marian Rivera sa role dahil hindi niya kayang iwan nang matagal ang mga anak sa lock-in taping.

Sinabi ni Sanya na magkahalong kaba at excitement ang kaniyang nararamdaman sa kaniyang kauna-unahang title role sa primetime show.

"Nasa proseso pa rin kami ng pagkilala kay Yaya Melody para mabigyan ng buhay at justice 'yung pagkatao niya," saad ng aktres tungkol sa kaniyang karakter.

Presidente naman at ang magiging role ni Gabby, at si Sanya ang magiging yaya ng kaniyang mga anak.--FRJ, GMA News