Labis ang tuwa ng isang babaeng caller mula sa Baras, Rizal, nang siya na ang matawagan ni Kuya Willie Revillame sa "Wowowin-Tutok To Win."

Ayon kay Ernalyn, kailangan nila ng tulong dahil sumasailalim sa dialysis ang kaniyang ina ngunit wala silang pampa-opera.

Dagdag ni Ernalyn, nasa stage 5 na ang chronic kidney disease ng kaniyang ina at may sakit din ito sa puso.

Nagpasalamat naman ang pamilya ni Ernalyn sa maagang "Pamasko" sa kanila ni Kuya Wil. Panoorin ang video. – Jamil Santos/RC, GMA News