May magandang payo si mommy Tes Lopez sa kaniyang anak na si Gabbi Garcia sa kung anong edad maaari nang mag-asawa ang kaniyang anak. Sinagot din niya kung ilang apo ang gusto niya mula sa kaniyang mga anak.

Sa latest vlog ni Gabbi, isinalang niya sa Q&A ang kaniyang mommy Tes para makilala rin siya ng fans.

"What's the perfect age for Gabbi to get married?" tanong ng isang netizen.

Hindi naman nag-atubiling ibigay ni mommy Tes ang kaniyang sagot.

ADVERTISEMENT

"Walang age. As long as you are... 'yun ang lagi kong sinasabi sa kanila, na ready at hindi lang ready ha, hindi lang ready, you have to be prepared mentally, emotionally. Hindi lang 'yung, 'Ay kasi 25 na ako, mature na ako,' no," saad niya.

 

Ikinasal si mommy Tes sa edad na 22 at sinabi niyang sinagot niya ang tanong base sa kaniyang karanasan.

"Sa 'kin based on my experience ang sa akin. Merong good and bad naman talaga. Ang good talagang grown-ups na sila talaga na parang friends lang kayo," ani mommy Tes.

"Wala talaga sa age eh, 'yung iba naman kasi 21 pa lang, 20 pa lang, pero kapag kausap mo, makikita mo sa ways," dagdag pa niya.

"You have to pray for it talaga."

Pagdating sa dami ng apo sa kaniyang mga anak, sinabi ni Mommy Tes na, "the more the merrier."

In a relationship si Gabbi kay Khalil Ramos. Ipinagdiwang nila ang kanilang ikatatlong anibersaryo nitong Hunyo.-- FRJ, GMA News