Inihayag ni LJ Reyes ang kaniyang pagiging proud sa anak na si Baby Summer na mabilis natuto sa lesson nito kung sino ang "boy" at "girl" sa kanilang pamilya.

Ibinahagi ni LJ ang video sa Instagram ng kanilang bonding moment ni Summer.

"During our kulitan and lambingan, may nakunan akong nakakaproud!" saad ni LJ.

ADVERTISEMENT

"Taught her few times kung sino ang boy at girl sa household namin. And bigla nalang sya nagpakitang gilas sakin!!! Natuwa lng ako sobra kasi ako nagturo sa kanya eh. Tapos nakuha na nya. Yun lang naman!," dagdag ng Kapuso actress.

 

 

At habang nagpapakitang gilas si Summer, hindi naman mapigilan ni LJ na manggigil sa anak.

Kinagiliwan ng netizens si Baby Summer dahil sa talento nitong umiyak habang on cue.

Sumasalang din si Summer sa "Acting 101" ng kaniyang ama na si Paolo Contis.--FRJ, GMA News