Inihayag ni Stephan Estopia ang kaniyang pagmamahal sa nobya niyang si Kiray Celis sa kaniyang graduation photo.

Sa Instagram, inilahad ni Stephan na graduate na rin siya bilang isang student athlete matapos ang anim na taon sa Arellano University.

Bukod sa kaniyang pamilya at mga kaibigan, pinasalamatan niya rin ang aktres sa suporta at pagmamahal.

Kaya naman sa isa sa kaniyang mga photo, proud niyang isinulat sa whiteboard ang "Kiray lang sakalam (malakas)" at "Mahal na mahal kita! Johanna Ismael Celis."

 

Ni-repost din ito ni Kiray sa kaniyang Instagram.

"Waaaahhhhhhh! Congrats, @stephan.estopia! Proud na proud ako sayo," ani Kiray.

 

Inilarawan ni Kiray na si Stephan ang "tamang tao" para sa kaniya, na nagpabago ng pananaw niya sa mga lalaki matapos siyang makaranas ng pagkasawi sa pag-ibig. —LBG, GMA News