Dumagsa ang tulong sa "Startruck" relief effort nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan. Personal ding tumulong ang Kapuso couple sa pag-repack ng mga relief goods.

Sa Instagram stories ni Jennylyn, na ibinalita rin sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita ang napakaraming bag ng relief goods na ni-repack ng team nina Jen at Dennis mula sa kahon-kahong mga donasyon.

Dahil dito, pinasalamatan ni Jen ang lahat ng nagbigay ng kanilang tulong para mapuno ang "Startruck" para sa mga sinalanta ng Typhoon Ulysses, partikular na ang mga taga-Cagayan.

Ang "Startruck" ay ang malaking truck na pagsasakyan ng mga relief goods para madala sa Cagayan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarTRUCK (@startruck.ph)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarTRUCK (@startruck.ph)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarTRUCK (@startruck.ph)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarTRUCK (@startruck.ph)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by StarTRUCK (@startruck.ph)

 

Mula sa “Dream. Believe. Survive” ng StarStruck, naisip nina Dennis at Jen na gawin itong “Dream. Believe. Donate” para makahikayat ng mga tulong at muling makabangon ang mga taga-Cagayan.--FRJ, GMA News