Dahil hindi pa tiyak kung mawawala na ang COVID-19 pandemic, magiging intimate umano ang kasal nina Ina Feleo at kanyang Italian fiancée na si James Gerva sa isang art museum sa Antipolo.

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Ina na hindi matutuloy ang nauna nilang plano na sa Palawan sana ikasal at sa beach ang reception.

"Yung wedding na gagawin ngayon ngayon talagang maliit, talagang intimate. Para din mayroon pa kaming...mayroong sini-save. Gusto nga niyang sabihin na this is just act one . Kumbaga sa teatro act one pa lang 'to may act two pa tayo," anang aktres.

Masaya at natatawang ibinahagi rin ni Ina na ang kaniyang mommy na si direk Laurice Guillen ang umano'y "bridezilla" sa paghahanda sa kaniyang kasal, na unang kasal daw sa kanilang pamilya.

Pero paano kaya nila pinili ang limitadong kaanak at kaibigan na iimbitahan? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News