Isinilang na ni "OPM Acoustic Princess" Princess Velasco ang ikatlo niyang anak na si Baby Sara Bella.

"Our little princess has arrived! [heart] Sara Bella [heart]" post ni Princess sa kaniyang Instagram nitong Martes.

 

ADVERTISEMENT

 

"Thank you for your love and prayers ????" dagdag ni Princess bilang pasasalamat sa mga nagpaabot ng panalangin sa kaniyang panganganak.

Si Sara Bella na ngayon ang bunso sa kaniyang mga kapatid na sina Kobe at Milo.

Ibinahagi ni Princess na buntis siya nitong Hulyo, kung saan inamin niyang natakot din siya lalo't panahon ng COVID-19 pandemic.--FRJ, GMA News