Ipinasilip na ang mga bibida sa live action remake ng "Voltes V" na mapapanood sa Kapuso Network.

Sa Instagram ng direktor na si Mark Reyes, ibinahagi niya ang teaser photo ng cast members ng "Voltes V Legacy." 

"Steve, Big Bert, Mark and Jamie had their measurements taken for their V5 flight suits today," sabi ni direk Mark, na may hashtag na "#productionbeginssoon." 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

 

Sa photo, makikita ang isang lalaking naka-face mask habang ang isa naman ay balikat lang ang kita.

Sa isa pang bahagi ng collage, mga paa lang ang ipinakita sa isa pang cast member.

May babae din sa teaser photo na posibleng gumanap bilang si Jamie. – Jamil Santos/RC, GMA News