Matinding pinsala ang inabot ng kotse ng aktor na si Boy 2 Quizon matapos na mabangga sa likuran ng isang puting van sa Quezon City kaninang madaling araw.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Biyernes, sinabing naka-menor na si Boy 2 sa U-turn slot sa Banawe nang bigla siyang salpukin ng van na minamaneho ng isang babae.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang likurang bahagi ng sasakyan ng "Bubble Gang" actor.

Ligtas naman si Boy 2 at nagtamo ng minor injuries ang kaniyang kasama.

Inamin umano ng driver ng van sa mga pulis na nakatulog siya habang nagmamaneho.--FRJ, GMA News