Nagtamo ng mga sugat sa binti ang isang 10-anyos na babae matapos siyang hablutin ng leon sa isang zoo sa Guangdong, China.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing isa sa mga zookeeper ang agad na tumulong para masagip ang bata.
Gayunman, nahirapan ang zookeeper dahil sa pagkakakapit ng leon sa pantalon ng bata.
Nakaligtas kalaunan ang biktima, pero nagtamo ng mga sugat sa binti.
Lumabas sa imbestigasyon na pinayagan ng isa sa mga staff ng zoo na makapasok ang ilang bisita sa designated safety buffer zone upang pakainin ang leon.
Suspendido na ang nasabing staff, habang pag-aaralan ng pamunuan ng zoo ang mga hakbang para hindi na maulit ang insidente. —VAL GMA Integrated News
