Kinumpirma ni Rhian Ramos na hiwalay na sila ng nobyong si Sam Verzosa. May nilinaw din siya tungkol sa pagkakasangkot ng pangalan ni Wil Dasovich. Alamin.
Sa kaniyang guesting sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, inilahad ni Rhian na maaari na rin siyang magsalita tungkol sa isyu dahil nauna na rin naman daw itong kinumpirma ni Sam sa isang panayam.
"Yes we've broken up already. We're not in a romantic relationship anymore. And I think it's only now that I feel comfortable saying that because he's confirmed it already also in an interview and I read about it na," sabi niya.
Ayon kay Rhian, hiwalay na sila ni Sam noon pang Oktubre 2025.
"We broke up in October of last year. I mean, of course, it's a relationship between two people, so it is quite private, but I just want everyone to know that we're in a peaceful place now," aniya, at idinagdag na pagtutuunan muna nila ng atensyon ang kanilang mga sarili.
Nang tanungin kung nag-uusap pa sila sa isa’t isa, sinabi ni Rhian normal lamang at “healthy” para sa mga couples na magkaroon ng "no contact" pagkatapos maghiwalay.
"You need that so that you're not confused and you have time to heal and move on. But we are able to talk to each other, or text each other if there's something that we need to talk about," sabi niya.
"Sometimes kasi you need to move far away from it so that you can see the big picture and kind of let that heal you," pagbabahagi pa niya.
Tinanong din ni Tito Boy si Rhian tungkol kay Wil Dasovich, na nasangkot ang pangalan sa gitna ng hiwalayan nila ni Sam.
"Sino siya sa relasyon ninyo ni Sam?" tanong ni Tito Boy.
"This is one of the most crazy and embarrassing parts of everything that I've been reading about myself lately because it's so unconnected and I don't know why anyone would bring him into an issue like this," sabi ni Rhian, na iginiit na isa lamang kaibigan si Wil.
"But Wil is my friend. He's one of my guy friends, and he has been for a long time, and it's so embarrassing that he would suddenly come up and people will say na — I mean, I don't know what purpose, like what's that for, to slut shame me or to make me look like a cheater? Anyway, we're just friends," sabi niya.
"And that's a simple answer. No. He has nothing to do with your separation from Sam," dugtong na tanong ng King of Talk.
"Yes, not at all. And sorry to Wil and his family that someone brought you into this," pagpapatuloy ni Rhian.
Kinumpirma nina Rhian at Sam ang kanilang relasyon sa GMA Gala 2022. Ipinagdiwang pa nila ang kanilang ika-apat na anibersaryo noong Agosto ng nakaraang taon.
Noong Disyembre 2025, napansin ng mga netizen na hindi na pina-follow nina Rhian at Sam ang isa’t isa sa Instagram. – Cody Cepeda/Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

