Iniluwal na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras na si Mark Fernando.

Ibinahagi ni Mark ang magandang balita sa kaniyang Instagram account nitong Lunes, kung saan nag-post siya ng larawan ng kaniyang mag-ina.

"Hi, I’m Corky. Wasssap!! Very good job, mammeeeh!!!" saad ni Mark sa caption ng larawan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

 

Sa Instagram Stories, ibinahagi  naman ni Nicole ang short Boomerang clip ni Mark hawak ang kanilang baby.

Nitong nakaraang June nang ihayag ni Mark at Nicole ang kanilang engagement. Ilang buwan matapos nito, ibinalita nila na magkakaroon na sila ng baby.--FRJ, GMA News