Isa nang Kapuso ang TikTok sensation na si Rain Matienzo, na kilala rin bilang si “Conyo Girl.”

Inanunsyo ng GMA Artist Center nitong Sabado na pumirma na si Rain ng kontrata.

Bukod sa pagiging patok sa TikTok, siya rin ang courtside reporter ng Adamson University noong UAAP Season 82.

Sa kaniya namang Instagram, inihayag ni Rain ang kaniyang saya sa kaniyang pagiging official na Kapuso.

“POV: Little girl’s dreams coming true,” caption ni Rain. “God’s timing is always perfect. Time for new beginnings with @artistcenter @gmanetwork.”

– Jamil Santos/RC, GMA News