Kilala sa kaniyang sexy at daring na Instagram posts, sinagot ni Liezel Lopez ang tanong kung handa siyang mag-pose sa cover ng isang men's magazine.

"Well, yes. For me, magiging challenging 'yon. And I love to be challenged, so why not? Let's go," sabi ni Liezel sa Mornings with GMA Regional TV.

Dati, sinabi ni Liezel na tumaba siya kaya hinamon niya ang sarili na magpapayat.

"Araw-araw tina-try ko talagang mag-improve ‘yong sarili ko kasi before, tumaba talaga ako like ‘yong waist ko naging 30. After noon, sabi ko sa sarili ko, kailangan pumayat ako. Kailangan ma-achieve ko ‘yong body goal ko na alam kong magiging confident ako sa ginagawa ko," kuwento ni Liezel.

Ang kaniya raw ginawa para magbawas ng timbang, "I cut rice out of my diet so less carbs na ako hangga’t maaari. Puro white meat lang kinakain ko and hindi na ako nagso-softdrinks, more on fruit shakes na lang. Of course, exercise din. I do cardio and ‘di na ako masyado nagbubuhat."

Sinabi ni Liezel na confident siya sa kaniyang katawan, kaya naman handang-handa siyang mag-post ng bikini photos sa kaniyang social media accounts.

 

Bukod sa Kapuso afternoon prime series na Babawiin Ko ang Lahat, si Liezel din ang napiling gumanap na kontrabidang si Zandra sa “Voltes V: Legacy.”

Para mapanatili ang kaniyang fit na pangangatawan, nagmu-Muay Thai at boxing si Liezel.

"Now nag-a-arnis training po ako," ayon kay Liezel, na mahilig din mag-stream ng online games.—Jamil Santos/AOL, GMA News