Dati nang inihayag nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na nasubok at lalong tumatag ang kanilang relasyon dahil sa pandemya. Kaya naman natanong ang aktor kung handa na ba niyang alukin ng kasal ang aktres?

Sa panayam ng YouTube channel GTalk TV Show, sinabi ni Tom na, "We never know. Like I said, when we’re ready."

"You never know, if it’s already happened or not," patuloy niya.

ADVERTISEMENT

Gayunman, sinabi ng Kapuso actor na handa na sila ni Carla at madalas na nilang napag-uusapan ang kasal.

"It’s not something that you rehearse or script. Sometimes life just gets in the way so let’s see. You never know," paliwanag ni Tom, na tiyak din na si Carla na ang kaniyang "the one."

Bago nito, inihayag din ng aktor na nais niyang "very intimate" ang gagawin niyang pag-propose kay Carla sa harap ng mga magulang ng aktres.

"I would love to share it with people we love. I think that is the most meaningful, instead of like trying to go for the flare," patuloy niya.

Anim na taon na ang relasyon nina Carla at Tom.--FRJ, GMA News