Sa "Mars Pa More," inihayag ni Vaness del Moral kung sino ang isang aktres na nag-enjoy siyang api-apihin sa serye dahil kinainisan niya ito noong una pa man. Si Maricar Garcia naman, pabirong binatukan ang isang sikat na singer-composer na inakala niyang contestant din na katulad niya.

Sa segment na "Laglagan," ikinuwento ni Vaness na kinainisan niya noong una si Maxine Magalona dahil inakala niyang nagpapa-diva ito noong magkasama sila sa dressing room ng "Party Pilipinas."

Kaya naman nagulat siya nang malaman niya sa story conference ng isang serye na magkakasama sila ni Maxine.

ADVERTISEMENT

Sa unang eksena pa lang, sampalan na raw agad ang kinunan sa kanila kung saan kontrabida ang role ni Vaness.

Pero pagkaraan lang ng dalawang linggo, nagkasundo na raw sila ni Maxine at nakita niya ang funny side ng aktres kaya naging magkaibigan din sila kinalaunan.

Samantala, ikinuwento naman ni Maricris ang insidente nang maging contestant siya sa isang show ng GMA at inakala niyang kapwa niya constestant ang isang sikat na singer-composer kaya pabiro niya itong binatukan.

Pero nang malaman niyang hindi pala contestant ang kanina binatukan, tumakbo raw palayo si Maricris.

Alamin sa video kung sino ang naturang singer. --FRJ, GMA News