Sa "Tunay Na Buhay," nakasama ni Rufa Mae Quinto sa isang virtual mini-reunion ang ilan sa dati niyang castmates sa "Bubble Gang" na sina Michael V. at Ara Mina, kung saan ibinuking nila ang ilan sa mga pinakatatagong sikreto ng komedyana.
"Si Peachy iyakin. Madalas magsisimula ng kuwento na talagang todo with action and gestures, tapos maya-maya maiiyak na," kuwento ni Michael.
"Mahilig kasi siyang mag-diet kaya naman sexy na sexy 'di ba? Ako naman, ako si Ms. Rice, mahilig ako sa kanin," ayon naman kay Ara.
"Parang nanghahakot ng pagkain, 'yun naman ang kuwento ni Ara kaya kami naging close. Siya 'yung taga-ubos," sabi ni Rufa.
Inihayag din nina Michael at Ara ang kanilang suporta para kay Rufa, na nagdesisyong manirahan kasama ang kaniyang pamilya sa Amerika.
Panoorin ang mala-Bubble Gang na kulitan ni Rufa, Bitoy at Ara sa "Tunay Na Buhay." —LBG, GMA News
