Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, pinili ng isang ginang na magtrabaho bilang kasambahay sa United Arab Emirates kahit pa ilang buwan pa lang siyang nakakapanganak.

Kuwento ng ginang kay Willie Revillame nang matawagan sa programang "Wowowin-Tutok To Win," napilitan naman siyang tumakas sa kaniyang amo sa AUE dahil sa dami ng miyembro ng pamilya nito na kailangan niyang pagsilbihan.

Kaya naman ilegal ang pananatili niya ngayon sa UAE at nais na lang sana niyang bumalik sa Pilipinas nang makasamang muli ang pamilya kahit magsimula na lang muli sila sa maliit na tindahan.

Handa naman si Kuya Wil na tulungan ang OFW na makauwi sa Pilipinas dahil batid niyang magiging mahirap ang sitwasyon nito sa UAE kung mananatiling ilegal ang kaniyang pamamalagi sa naturang bansa. Panoorin.

--FRJ, GMA News