Isang proud father si Michael V. sa kaniyang anak na si Brianna Bunagan na isa na ring Kapuso artist.

"I'm so proud of her," saad ni Michael V o Bitoy sa panayam ng Kapuso Showbiz News.

"Lagi naman akong...I always believed in her talent, hindi lang ako, pati 'yung buong pamilya namin, alam namin na inevitable 'yon na one day talagang she will create her own path," patuloy niya.

Ikinatuwa rin ni Michael V. na sa Kapuso Network pinili ni Brianna na mag-sign up.

"Natutuwa ako dahil dito sa network na ito nag-decide siya na mag-sign up and hindi sa iba. At least talagang malapit sa puso namin 'yung GMA, and alam kong magde-develop pa 'yung talent niya for the years to come dito sa industriya," anang Bubble Gang creative director.

"Sana nga talagang makagawa siya ng difference at mag-enjoy siya, 'yun lang ang lagi naming sinasabi sa kaniya," dagdag ni Michael.

Makikita sa kaniyang Instagram ang iba't ibang talento ni Brianna, tulad ng pagkanta, pagtugtog ng mga instrumento at acting sa teatro.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brianna (@briannabunagan)

 

--FRJ, GMA News