Ikakasal na sa Agosto 25 si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel kay 2nd District Maguindanao Representative Esmael "Toto" Mangudadatu.
Inanunsyo ito sa Facebook post ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations Facebook.
Ayon sa NCMF, gaganapin ang kasal sa isang hotel and convention center sa Cotabato City.
Pero limitado lamang ang imbitado bilang pagsunod sa safety protocol kasunod ng COVID-19 pandemic.
Inabisuhan naman ang mga dadalo na magsuot ng face shields at masks, at sundin ang formal dress code.
Taong 2018, nang lumaban ang Muslim beauty queen sa Miss Asia Pacific International pageant at nagwagi. — FRJ, GMA News
