Umabot na sa P80,000 ang tawad ni Willie Revillame sa caller na kalahok sa "Pera o Kahon" segment nito. Pero sa halip na sumagot kung ano ang kaniyang pipiliin, humiling sa TV host ang kalahok na dagdagan pa ang premyo.

Pero sabi ni Kuya Wil sa caller, matutong makiramdam dahil wala siyang mapapanalunan kapag naging "bokya" ang kahon na kaniyang pinili.

ADVERTISEMENT

Pagbigyan kaya nang nanggigil na si Kuya Wil ang hiling ng caller na isang security guard? Panoorin ang nangyari sa video.

--FRJ, GMA News