Hindi muna sasabak sa Eleksyon 2022 ang actress-politician na si Vilma Santos-Recto.

"After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections," ayon sa tinaguriang Star for all Season.

Kasalukuyang kongresista ng 6th District ng Batangas si Ate V. Ang mister niyang si Senador Ralph Recto ang tatakbo sa naturang posisyon dahil nagtapos na ang termino nito bilang senador.

Pero kahit wala sa pulitika, sinabi ni Ate V na patuloy pa rin naman siyang magsisilbi sa mga tao.

"I have been serving the public for more than 23 years and I will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity," pahayag niya.

Kabilang ang pangalan ng aktres sa listahan ng mga survey na posibleng tumakbong senador sa Eleksyon 2022.—FRJ, GMA News