Inihayag ng bagong Kapuso na si Brianna Bunagan na nakararamdam siya ng pressure sa pagpasok niya sa showbiz industry, lalo na't anak siya ng comedy genius na si Michael V.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing magiging bahagi na si Brianna ng "All Out Sundays" matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Ayon kay Brianna, medyo huli na ang pagpasok niya sa industriya matapos niyang tuparin muna ang kondisyon ng mga magulang na tapusin ang kaniyang pag-aaral.

"The pressure is always gonna be there in a sense na people will have certain expectations, 'yung 'Anak ka ni Michael V. so kailangan kasing-galing mo rin siya. Of course my dad is always gonna be an inspiration, he's always been very supportive of my passion," sabi ni Brianna.

 

 

Bago nito, hinahangaan na si Brianna dahil sa galing niya sa pagkanta habang tumutogtog ng ukelele.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Brianna (@briannabunagan)

 

Proud father naman si Michael sa pagiging Kapuso ni Brianna.

"I'm so proud of her... Lagi naman akong...I always believed in her talent, hindi lang ako, pati 'yung buong pamilya namin, alam namin na inevitable 'yon na one day talagang she will create her own path," sabi ni Bitoy.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News