Pinangalanan ni Albert Martinez ang mga nakatambalan niyang aktres na nakatulong umano sa kaniya para mapahusay pa ang kaniyang trabaho bilang aktor.

"Let's start with the people I grew up working with. I will start with my first leading lady, it was Snooky (Serna). And then next, Dina Bonnevie, Lorna Tolentino, Alma Moreno. Those are the 80s leading ladies," sabi ni Albert sa GMA Regional TV Live nang tanungin kung sino ang mga leading lady niya na hindi niya malilimutan.

ADVERTISEMENT

"Noong pagbalik ko naman, Joyce Jimenez, Glydel Mercado, Nora Aunor, Vilma Santos," pagpapatuloy ni Albert.

Saludo raw si Albert sa lahat ng kaniyang mga naging leading lady sa showbiz industry dahil sa kanilang husay.

"So I'm blessed with very good leading ladies and I believe I learned a lot from them," anang aktor.

Balik-Kapuso si Albert para sa upcoming series na “Las Hermanas.”

Makakatrabaho ni Albert sa naturang proyekto sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Jason Abalos.--FRJ, GMA News