Matapos ang halos dalawang taon, muling nagkita nang personal sa unang pagkakataon ang magkapatid na Max at Gabby Eigenmann dahil sa programang "Mars Pa More."

"It's been two years. We talk all the time, but it's been two years," sabi ni Max.

"Totoo, for real. Ngayon lang kami nagkita," ayon naman kay Gabby.

"Gusto kong mag-explain nang konti. It's also because during the initial lockdown and ECQ, even if visitation was allowed, it was a conscious effort for me, and I think from my brother as well, because we live in separate homes, to not go out of our ways," dagdag ni Max.

Ayon kay Max, doble ang kaniyang pag-iingat para maprotektahan ang mga anak at ang kaniyang ina sa COVID-19.

Si Max lang din ang lumalabas para bumili ng groceries.

"At the time I wasn't really very, like I didn't know much about, as did anyone else 'di ba, about the virus. So it was quite scary. So parang social responsibility, I took it upon myself, and as well as my brother," sabi ni Max.

Nagpasalamat naman sina Max at Gabby sa programang Mars Pa More sa pag-guest sa kanila, na naging daan na rin para sa kanilang reunion.

Magkapatid sina Max at Gabby sa ama nilang si Mark Gil.

Ina ni Max ang aktres na si Bing Pimentel, habang ina ni Gabby si Irene Celebre.

Panoorin sa Mars Pa More ang pagkuwento nina Max at Gabby sa mga lumang larawan ng kanilang pamilya kung saan kasama pa nila ang ama nilang si Mark Gil.--FRJ, GMA News