Suspendido ang mga klase nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026 sa ilang lugar sa Mindanao matapos ang magnitude-6.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
- General Santos City — no classes, all levels, public and private; no work in private and public institutions
- Kidapawan City — no afternoon classes all levels public and private
- Koronadal City — no afternoon face-to-face classes all levels public and private
- Sultan Kudarat — no afternoon classes, all levels, public and private
Naunang naiulat na magnitude-7.0 ang lindol bago ito ibinaba sa magnitude-6.4.
Sinabi ng mga awtoridad sa Sultan Kudarat na kinakailangan ang suspensyon ng klase para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga mag-aaral dahil posibleng magkaroon ng mga aftershock.
Hiniling sa mga mag-aaral, magulang, guro, at mga empleyado ng paaralan na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga protocol sa kaligtasan, at subaybayan ang mga opisyal na abiso.
Samantala, sinabi rin ng mga awtoridad ng General Santos na kritikal ang suspensyon ng trabaho at mga klase para sa kaligtasan at kapakanan ng publiko. Magbibigay-daan din ito para sa pagsasagawa ng mga inspeksyon sa istruktura at kaligtasan ng iba't ibang impraestraktura. — Jamil Santos/ VDV GMA News

