Sa programang "Mars Pa More," inihayag ni Rica Peralejo-Bonifacio na bukas siya sa posibilidad na magbalik-showbiz.

"If it's the right project, yah why not," sabi ni Rica nang tanungin tungkol sa showbiz comeback.

Bilang asawa ng pastor na si Joseph, tinanong naman si Rica kung may "pressure" ba na maging asawa ng isang pastor.

"Medyo, oo," saad niya.

"I think parang... baka ayaw aminin ng iba pero mayroon talaga. Because it's kinda like para ka ring artista sort kasi tinitingnan ka ng lahat dahil ikaw yung asawa ng pastor," paliwanag niya.

Sinabi naman ni Rica na ang eksena na may libu-libong ipis ang eksena na ayaw na niyang gawin muli.

Aminado ang aktres na mayroon siyang matinding takot sa mga ipis.--FRJ, GMA News