Ipinakita ni Winwyn Marquez ang kaniyang baby bump nitong bisperas ng Pasko, ilang araw matapos niyang ianunsyo na siya ay buntis. Ang aktres, nakaramdam ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok dahil sa kaniyang baby.

Sa kaniyang Instagram, makikitang hawak ni Winwyn ang kaniyang lumalaking tummy, habang blooming ang aktres sa kaniyang red dress.

"A lot has happened lately ... from the pandemic to natural disasters and so much more but at least for one day we get a boost of hope that we so dearly need," caption ni Winwyn.

ADVERTISEMENT

Paghikayat ni Winwyn, manatiling positibo kahit hindi man agad magiging maayos ang mga pinagdadaanang hamon.

"It might not be okay in an instant and might take a while but we must stay optimistic... Let's hold on to our faith and pray that everything will be alright. Happy Christmas Eve! Merry Christmas everyone from my family to yours."

Kinumpirma ng Kapuso actress na 21 weeks na ang baby sa kaniyang sinapupunan.

Ibinahagi ni Winwyn ang magandang balita sa nakaraang press con ng pelikula niyang "Nelia," na kasama sa Metro Manila Film Festival.

Gayunman, hindi muna niya sinabi kung boy o girl ang paparating na first baby nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend. – Jamil Santos/RC, GMA News