Pumanaw na sa edad 88 ang beteranong komedyante na si Don Pepot, o Ernesto Fajardo sa tunay na buhay.

Ayon sa kaniyang anak na si Michelle Fajardo, na kinumpirma ang balita sa Super Radyo dzBB, pumanaw si Don Pepot Martes ng gabi dahil sa severe pneumonia dulot ng COVID-19.

Sumikat si Don Pepot noong 1980s, at kilala sa pagganap niya sa "John & Marsha" at "Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako."

Nakatakdang i-cremate ang kaniyang mga labi ngayong Miyerkoles sa Valenzuela. — Jamil Santos/VBL, GMA News