Naging usap-usapan ng netizens si Solenn Heussaff, na nagpahiwatig na buntis siya sa baby number 2 nila ni Nico Bolzico.

Sa kaniyang Instagram, nag-post ng black-and-white photo si Solenn na karga-karga si Baby Thylane, na may caption na "Fun days with you."

Ngunit napansin din ng netizens ang pagmodelo ni Solenn sa isang maternity wear.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

 

"[S]o easy to wear and also stretches if you get preggo!," dagdag na caption ni Solenn sa post, na lalong ikinaintriga ng ilan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing wala pang direktang kumpirmasyon mula kay Solenn at Nico, pero marami na ang bumati sa mag-asawa para sa kanilang #BabyBolz. —LBG, GMA News