Nagsalita na si Rayver Cruz sa nangyaring hiwalayan nila ng dating nobyang si Janine Gutierrez.

Sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Huwebes, sinabi ng aktor na naka-move on na siya.

ADVERTISEMENT

“Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially from my end,” paliwanag niya.

“Okay na ’ko and naka-move on na ’ko. 2022 na eh, so masasabi ko na naka-move on na ’ko and I’m happy,” dagdag ng aktor.

Sinabi rin ni Rayver na excited siya sa bago niyang project na "Bolera," kasama si Kylie Padilla, na gaganap na isang mahusay na billiard player.

Malapit daw sa puso ni Rayver ang naturang project dahil paboritong sport ng kaniyang ama ang bilyar. --FRJ, GMA News