Ni-reveal na ang mga makakasama sa inaabangang “Running Man Philippines!” na mapapanood sa GMA Network.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” nitong Biyernes, ipinakilala na ang mga miyembro ng “Running Man Philippines” na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.

“Kilala naman nating lahat ang mga Pinoy, hindi nagpapatalo. So tayo gagawin din natin ’yon, hindi kami mag-i-inarte dito. Magiging competitive kaming lahat dito,” ayon kay Ruru.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mikael, excited sila sa kanilang bagong project dahil marami nang nag-aabang sa Running Man Philippines, at nag-aabang din ng kanilang mga gagawin.

Ang “Running Man Philippines” ay local adaptation ng longest running South Korean reality game show.

Isa itong co-production ng GMA Network at SBS Korea.

Ang original “Running Man” ay kinabibilangan nina Yoo Jae Suk, Ji Suk Jin, Kim Jong Kook, Haha, Lee Kwang Soo, Song Ji Hyo, Yang Se Chan, at Jeon So Min.

Mapapanood sa nakakaaliw na game show ang pagkasama ng mga miyembre sa iba't ibang challenges. – FRJ, GMA News