Ikinasal na sina Aubrey Miles at Troy Montero matapos ang 18 taon nila na magkarelasyon.

Ikinasal sina Aubrey at Troy nitong Huwebes, halos tatlong buwan matapos ianunsyong engaged na sila.

Ginanap ang kanilang civil wedding sa Mandaluyong City Hall, na pinangasiwaan ni Mayor Carmelita Abalos.

"It’s Official???????? After 18years together, it only takes 30mins to seal it. We did it @troymontero" caption ni Aubrey sa kaniyang Instagram.

ADVERTISEMENT

 

Nag-post din si Troy ng mga larawan ng kasal nila ni Aubrey sa sarili niyang Instagram.

 

"We did it! ??" caption ng Filipino-American actor.

Ipinagdiwang nina Troy at Aubrey ang kanilang ika-18 anibersaryo Setyembre noong nakaraang taon.

Nito ring Marso, ibinahagi ni Aubrey na titira sila ng kaniyang pamilya sa Boracay ng isang buwan para ituro sa kanilang mga anak ang pamumuhay sa isla.

May dalawang anak si Aubrey kay Troy, na sina Hunter at Rocket. —LBG, GMA News