Madamdamin ang mensahe si John Travolta sa namayapang si Olivia Newton-John, na naging leading lady niya sa classic movie musical na “Grease.”

Sa Instagram, inihayag ni John ang kaniyang pagmamahal kay Olivia, na pumanaw nitong Lunes sa edad na 73.

“My dearest Olivia, you made all of our lives so much better. Your impact was incredible. I love you so much,” pahayag ni John sa Instragram post.

“We will see you down the road and we will all be together again. Yours from the first moment I saw you and forever!” sabi pa ng Hollywood actor.

ADVERTISEMENT

Nakasaad sa huling bahagi ng post na nakalagay ang larawan ni Olivia na: “Your Danny, your John!”

 

 

May ilan pang pelikula na pinagtambalan sina John at Olivia, bukod pa sa pag-awit nila para sa official soundtrack.

Kabilang sa mga inawit ni Olivia ang “Hopelessly Devoted to You,” “Physical,” “Let Me Be There,” “I Honestly Love You,” at iba pa.

Ayon sa inilabas na pahayag, payapang pumanaw si Olivia sa kaniyang ranch home sa Southern California habang napaliligiran ng kaniyang mga kaanak at kaibigan.

Taong 2017 nang ipaalam niya na nagbalik ang kaniyang breast cancer at kumalat ito sa kanilang lower back. Dahil dito, kinansela ang ilang nakatakda niyang pagtatanghal.— FRJ, GMA News