Tinawag na "anghel' ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega, na leading lady niya sa upcoming Kapuso drama series na "What We Could Be."

"[A]n angel [hearth emoji]" caption ni Miguel sa kaniyang Instagram, na mapapanood din sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras."

"Ang pinaka-pinakagusto ko 'yung pagiging wholesome niya, hindi makabasag-pinggan," sabi ni Miguel.

 

 

"Naman! Ayan na nga eh, hinihintay ko na 'yung halo bumuo," biro naman ni Ysabel, nang tanungin kung payag siyang tawaging anghel ni Miguel.

Nauna nang sinabi nina Ysabel at Miguel na meron silang "close working relationship" dahil magkatrabaho rin sila sa live adaptation na "Voltes V: Legacy."

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/832883/ysabel-ortega-at-miguel-tanfelix-nagsalita-tungkol-sa-extra-closeness-nila/story/

Dahil sa kanilang lock-in taping sa "Voltes V: Legacy," mas naging malalim pa raw ang chemistry ng dalawa

"Naging comfortable na kami working with each other, alam na namin 'yung mga acting, kung paano kami sa set," sabi ni Ysabel.

Ang "What We Could Be" ang kauna-unahang primetime series nina Ysabel at Miguel, o YsaGuel.

Gaganap si Ysabel bilang si Cynthia, isang masipag na nurse na mapagmahal sa pamilya samantalang si Miguel naman ay si Franco na may itinatagong masalimuot na nakaraan.

Tiyak na relate ang young adults ang kanilang kilig scenes at mabibigat na eksena.

Love triangle nina Ysabel at Miguel si Yasser Marta.

Magsisilbi rin ito bilang unang collaboration ng GMA Network at Quantum Films, na kilala sa paggawa ng ilang blockbuster movies.

Mapapanood na ito sa Agosto 29 pagkatapos ng "Lolong". — FRJ, GMA News