Game na sinagot nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, na bibida sa bagong Kapuso series na "What We Could Be," ang ang mga tanong nang maging bumisita sila sa "The Boobay and Tekla Show."

Sa programa, tinanong nina Boobay at Tekla si Miguel kung ilan ang gusto niyang maging anak: dalawa, tatlo, o more than three?

"Ayoko nang masyadong marami," saad ng aktor. "Siyempre iisipin mo yung pag-aaral nila. So as much as possible gusto ko maayos ang buhay nila. So its either dalawa o tatlo."

Pero sa huli, dalawa ang pinili ni Miguel.

ADVERTISEMENT

Tinanong din ng TBATS host si Ysabel kung ilan ang gusto niyang maging anak.

Natatawang tugon ng dalaga, "Doon na tayo sa dalawa, mahirap manganak eh."

Kasabay nito, tinanong din si Miguel at Ysabel kung ano ang right age na sa tingin nila ay puwede nang magpakasal.

Para kay Ysabel, walang right age kung kailang dapat lumagay sa tahimik.

"Pero feeling ko siguro mga 30's, early 30's," saad ng dalaga.

Si Miguel naman, early 30's din ang tingin na tamang age kapag nais nang mag-asawa.

"Magandang gawin mo muna yung mga gusto mong gawin sa buhay bago ka mag-asawa," paliwanag ng binata. --FRJ, GMA New