Inilahad ni Tanya Ramos ang payong natanggap niya mula sa amang si Wendell Ramos para tumagal siya sa showbiz industry.

"Ito po ang tumatak talaga sa isip ko, he told us to always take out work seriously," sabi ni Tanya sa GMA Regional TV live.

"We should love everything about it, we should love everything about our craft and that we should love the things that we are capable to show," dagdag pa ni Tanya.

Ayon kay Tanya, naimpluwensiyahan siya ni Wendell nang masaksihan niya ang trabaho ng kaniyang ama bilang artista.

"He is part of the industry for a long time already. So I can say he really did influence me to join show business since bata pa po ako, I already witnessed him in work."

Kaya kahit may mga pagkakataon na tila tutol si Wendell sa pagpasok ng kaniyang mga anak sa industriya, ginusto pa rin ni Tanya na mag-artista.

"If ever naman he didn't push me to  join showbiz, I still wanted to become a performer pa rin. So it is somehow similar and it is still part of the entertainment industry," sabi ni Tanya.

Gaganap si Tanya bilang si Aira Rivera sa "Luv Is: Caught In His Arms," na adaptation mula sa hit Wattpad novel.

Inilarawan ni Tanya ang kaniyang karakter na si Aira bilang "sassy," na good friend ni Florence Almero, na ginagampanan ni Sofia Pablo.

"What I did para mas mapaganda pa ang pag-deliver ko ng character ko is I joke around my co-actors, sa talents," sabi ni Tanya. --FRJ, GMA News