Inihayag ni Jeric Gonzales na "good friends" pa rin sila ni Rabiya Mateo. Pero nagkabalikan nga ba sila?

"After what happened, of course the controversies and the issues, nag-stay kami na friends, good friends," saad ni Jeric sa "Updated with Nelson Canlas."

Nang diretsahang tanungin ni Nelson si Jeric kung nagkabalikan sila ni Rabiya, tugon ng aktor, "Ang hirap sabihin na nagkabalikan."

"Mas gusto na lang muna namin sabihin na we're good friends and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz," dagdag ni Jeric, na pipiliin daw na maging pribado na lang ang estado nila ni Rabiya.

"Hindi kami yung nag-break as in wala na talaga, nag-away, gano'n. We want it private na ganito lang na we're in good terms."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Jeric, wala silang pinag-awayan ni Rabiya, ngunit naging abala sa kani-kanilang mga proyekto nitong mga nakaraang buwan.

"Kasi kami, wala naman talaga kaming pinag-awayan o pinagtalunan na any issue. Siguro ano lang, priorities lang talaga as of now, kasi we're both busy. So 'pag nagkaroon ng mga ibang issue, siyempre showbiz, mahirap eh, ang dami talagang nakikialam, madaming issues na darating sa kaniya, sa akin. So mas healthy na focused kami sa work and at the same time okay naman kami," saad niya.

Inamin naman ni Jeric na naging mahirap sa kaniya ang pagkakalabuan nila ni Rabiya.

"Oo naman. At first parang sad talaga and it's depressing, of course. It adds pressure talaga dito sa showbiz. Ang sarap sana ng someone na may inspiration."

Matatandaang inanunsyo nina Jeric at Rabiya na in a relationship silang dalawa noong Marso.

Tatlong buwan makaraang isapubliko ang kanilang relasyon, nag-unfollow sa isa't isa sa Instagram sina Rabiya at Jeric.

Binura pa ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric na magkasama— kabilang ang post na inihayag niya ang pagmamahal kay Jeric.

Samantalang hindi naman nawawala sa page ng aktor ang mga larawan nila ni Rabiya.

Sa ngayon, gaganap si Jeric bilang si Davidson Navarro o Dave sa adaptation ng hit Korean drama series na "Start-Up PH," na itinuturing niyang kaniyang "biggest break." --FRJ, GMA News