Iniluwal na ni Angelica Panganiban ang kaniyang baby girl.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang magandang balita kasama ang closeup photo ng mga mata ng kaniyang anak.

Ayon kay Angelica, Amila Sabine Homan ang pangalan ng kaniyang baby na isinilang noong September 20.

ADVERTISEMENT

"Bean waiting for you all my life," saad niya.

 

 

Sa comment section, inulan ng pagbati mula sa followers at kapuwa celebrities si Angelica at ang kaniyang baby.

"Sis congratulations! She's got your eyes," sabi ni Camille Prats. —FRJ, GMA News