Muling gaganap si Hugh Jackman sa kaniyang iconic role na si Wolverine para sa pelikula ng kaniyang kaibigang si Ryan Reynolds na "Deadpool 3."

Sa Twitter, nag-post si Ryan ng isang nakatutuwang teaser ng pagbabalik ni Hugh.

"I've had to really search my soul on this one," biro ni Ryan tungkol sa paghahanap niya ng mga ideya para sa susunod na installment ng pelikula.

"I have nothing. Yeah... Just completely empty up here. And terrifying," dagdag ni Ryan.

Tila to the rescue naman si Hugh, na biglang dumaan sa background.

"But we did have one idea. Hey, Hugh, you wanna play Wolverine one more time?" tanong ni Ryan kay Hugh.

"Yeah, sure, Ryan," tugon ni Hugh.

Nagtapos ang video sa kanta ni Whitney Houston na "I Will Always Love You," pero binago ang lyrics sa "I will always love Hugh."

 

 

Gumanap si Hugh bilang ang X-men superhero na si Wolverine sa loob ng 17 taon, bago nagretiro sa kaniyang role sa "Logan" noong 2017.

"I know Aussies are not known for leaving the party at the right time but (after) 17 years, it's time to leave the party," saad ni Hugh sa interview.

Ang "Deadpool 3" naman ang unang pelikula sa franchise na gagawin ng Marvel Studios matapos i-release ng 20th Century Fox ang naunang dalawang pelikula ng Deadpool noong 2016 at 2018.--Jamil Santos/FRJ, GMA News